-- Advertisements --
Nag-alok ng $190 million maximum five-year deal ang Golden State Warriors para mapanatili sa kanila si Klay Thompson.
Ang nasabing alok ay kasunod ng pagiging free-agent na ng kanilang 29-anyos na forward player.
Nagtamo kasi ng torn ACL sa kaniyang kaliwang tuhod sa Game 6 NBA finals kontra Toronto Raptors si Thompson.
Taon 2011 ng maging 11th overall draft ng Warriors si Thompson.
Sa loob ng walong season nito sa Warriors ay mayroong average siya na 19.5 points, na mayroong 41 point shooting percentage.