Nagpasalamat ngayon ang pamunuan ng Golden State Warriors sa naging kontribusyon ni NBA superstar Kevin Durant sa organisasyon.
Matatandaang napagpasyahan na ni Durant na lumisan na sa Warriors at tumalon sa Brooklyn Nets para sa apat na taong kontrata na umaabot sa $164-milyon.
Sa pahayag ni Golden State CEO Joe Lacob, sinabi nito na ipinakita ni Durant ang pagiging disente sa loob at labas ng court sa kanyang tatlong taong pananatili sa franchise.
Iginiit nito na hangga’t hawak nito ang team, walang ibang manlalaro ang puwedeng magsuot ng jersey No. 35 na dinala ni Durant.
“Today, as he starts a new chapter in his incredible career, we thank KD for all of his contributions, for being an integral part to one of the most prolific runs in NBA history and wish him well as he continues his Hall of Fame journey,” saad ni Lacob. “As long as I am Co-Chairman of this team, no player will ever wear #35 for the Warriors again.”
Si Durant, na lumipat sa Warriors matapos ang walong taong pananatili sa Oklahoma City Thunder, ay nagbulsa ng dalawang NBA Finals MVP awards sa kanyang pananatili sa Golden State.