Natuldukan na rin ang kamalasan ng Golden State Warriors matapos na masilat ang Memphis Grizzlies sa score na 114-95.
Bago ito pitong sunod-sunod na talo na ang nalasap ng Warriors.
Sa ngayon may tatlong panalo pa lamang ang Warriors at 12 talo habang hindi pa rin nakapaglalaro dahil sa mga injuries sina Stephen Curry (left hand fracture), D’Angelo Russell (right hand sprain) at Klay Thompson (left ACL rehab).
Dahil dito, kinailangang kumayod ng husto nina Alec Burks na umiskor ng season-high na 29 points, Glenn Robinson III na nagdagdag ng 20 at sina Marquese Chriss at Eric Paschall ay kapwa may tig-17 points para sa Warriors.
Si Draymond Green naman ay nagposte ng walong puntos, 10 rebounds at 11 assists.
Sa next game babiyahe ang Warriors sa Dallas para sa laro sa Huwebes.
Ang Grizzlies naman ay host sa Los Angeles Lakers sa Linggo.