-- Advertisements --

Nalasap ng Golden State Warriors ang ika-limang sunod na pagkatalo sa kamay ng 2023 NBA champion na Denver Nuggets.

Dahil dito, lalo pang nabaon ang Warriors sa walong pagkatalo matapos simulan ang season sa 12 – 3, at maging pinakamalakas na team sa Western Conference.

Naging mahigpit ang laban sa pagitan ng dalawang koponan. Ilang beses ding hinawakan ng Warriors ang Lead kung saan sa 4 na minuto bago matapos ang laro ay hawak ng GSW ang walong puntos na kalamangan.

Gayonpaman, magkakasunod na ginawaran ng free throw ang Denver at sa loob ng nalalabing apat na minuto ay napagbigyan ang koponan ng walong free throws.

Sa tulong ng magandang opensa at depensa ni 3-time NBA MPV Nikola Jokic ay naungusan ng Denver ang Warriors, 48 secs. bago matapos ang laro.

Hindi na nakabawi ang GS matapos nito, sa kabila ng ilang shots ng GS.

Muling gumawa ng double-double si Jokic sa naging panalo ng Denver – 38 pts, 10 rebs, 8 assts. Nagpasok naman ng 22 points ang forward na si Michael Porter.

Sa Warriors, hindi nagawa ni Stephen Curry na isalba ang kaniyang team sa kabila ng double-double – 24 pts, 11 assts, at 7 rebs. Hindi naman nakapaglaro si Draymond Green sa naturang laro, at pumalit sa kaniya bilang forward si Jonathan Kuminga na tumipa ng 19 pts.

Sa kasalukuyan, hawak ng Nuggets ang 11 – 8 win/loss record.