-- Advertisements --
Nasilat nang Charlotte Hornets ang Golden State Warriors 106-12.
Dahil dito natigil pansamantala ang pamamayagpag ng Warriors na siya ngayong top team sa NBA na meron ng 11 panalo.
Ito na ang ikalawang talo pa lamang ng Warriors.
Habang ang Hornets naman ay walo pa lamang ang panalo at pitong talo.
Nasayang naman ang ginawa ni Stephen Curry na may 24 points at umabot sa 10 assists.
Nasa ika-pito na rin ang winning streak ng Warriors bago sila diniskarel ng Charlotte.
Habang sa Hornets nanguna sa opensa si Miles Bridges na may 22 points at 8 rebounds.
Si LaMelo Ball naman ay nagdagdag ng 21.