-- Advertisements --
Bumangon mula sa 14-point deficit ang Golden State Warriors sa fourth quarter upang malusutan sa isang makapigil-hiningang bakbakan ang Los Angeles Lakers, 115-113.
Gumawa ng maraming turnover ang Lakers sa huling krusyal na minuto ng laro dahilan para lamangan pa sila ng Warriors ng hanggang limang puntos sa huling isang minuto sa final canto.
May pagkakataon sana ang Lakers na makuha ang tagumpay sa laban sa natitirang mga segundo sa regulasyon ngunit sumala ang isang go-ahead three pointers na pinakawalan ni LeBron James.
Nanguna sa opensa ng Warriors si Steph Curry na umiskor ng 26 points.
Habang sumandal naman ang Lakers kay Dennis Schroder na nagtala ng 25 points.