Inilista ng Golden State Warriors ang kanilang three-game winning streak makaraang igupo nila ang Houston Rockets, 116-104.
Humataw nang husto si Damion Lee na nagrehistro ng 22 points at career-high na 15 rebounds upang pangunahan ang Warriors.
Nag-init din ang kamay ni Draymond Green kung saan ibinuhos nito ang 16 sa kanyang kabuuang 20 points sa second half, bukod pa sa kanyang 11 rebounds.
“We’re probably not going to play a bigger game than this all year,” wika ni Warriors coach Steve Kerr. “A national TV game against the Rockets. This game meant a lot to us.”
Sumandal naman ang Rockets kay Russell Westbrook na kumamada ng 30 points at 12 rebounds.
Nauwi lamang din sa wala ang double-double na 24 points at 11 assists ni James Harden, maging ang 18 markers ni Danuel House Jr.
“We had a lot of great opportunities that we just didn’t convert,” ani Harden. “It’s pretty simple.”
Sa araw ng Sabado, makaksagupa ng Warriors ang Phoenix, samantalang sa Linggo naman haharapin ng Rockets ang Brooklyn.