-- Advertisements --
Nakatakdang sumailalim sa Magnetic Resonance Imaging si Golden State Warriors player Jimmy Butler.
Ito ay matapos na magtamo ng injury mula sa kaniyang matinding pagkahulog sa tailbone.
Nangyari ang insidente ng talunin sila ng Houston Rockets 109-94.
Matapos siyang ma-foul ni Amen Thompson ay naging malakas ang kaniyang pagbagsak.
Nagawa pa niyang tumayo at naipasok nito ang dalawang free-throw.
Matapos nito ay inilabas siya sa playing court dahil sa ininda ang sakit.
Umaasa si Warriors head coach Steve Kerr na makasama nila si Butler sa Game 3 laban sa Rockets.