-- Advertisements --

Posibleng hindi makakasama ng Golden State Warriors ng dalawang laro si Stephen Curry matapos na magtamo ng injury.

Ayon sa Warriors, na nagpapagaling ito sa kaniyang ankle injury.

Natamo nito ang nasabing injury sa pagkatalo ng Warriors laban sa Los Angeles Clippers nitong Lunes sa score na 112-104.

Sumailalim ito sa MRI exam at wala namang structural damage subalit meron siyang peroneal strain sa bahagi ng tendons na nagkokonekta sa fibula at ankle.

Ang two-time NBA Most Valuable Player ay may average na 18.3 points, 6.7 assists, 5.3 rebounds at 2 steal.