-- Advertisements --

Nagtala ng panibagong record nsa NBA si Golden State Warriors star Stephen Curry.

Tinanghal siya na pang-26 na manlalaro na nakapagtala ng 25,000 points.

Nakuha nito ang record sa panalo nila kontra sa Detroit Pistons.

Malapit na nitong mahabol si Los Angeles Lakers legend Jerry West na mayroong 25,192 points.

Si Curry din ngayon ang isa sa mga limang manlalaro na aktibo na may hawak ng nasabing record.

Labis naman ang pasasalamat ni Curry dahil sa magandang performance ng kaniyang koponan at handa nitong mahigitan pa ang nasabing record.