-- Advertisements --

Ibinilang ng Golden State Warriors sa kanilang biktima ang Orlando Magic matapos magbuhos ng 40 points si Stephen Curry, 111-105.

Ito na ang ika-14 na panalo ng Warriors (14-12) habang ang Magic ay nasa 9-17 record.

Sa nakalipas na huling 13 games ang two-time MVP ay nakapagbuslo ng hindi bababa sa apat na mga 3-pointers na itinuturing ngayon na career-best.

CURRY2

Matinding all-around performance ngayon ni Steph ay nagresulta tuloy sa usap-usapan na posibleng kandidato siya sa MVP awards.

Samantala ang kamalasan ng Orlando ay dahil din sa umabot sa apat ang missing na mga key players at nadagdagan pa sa injury ng guard na si Frank Mason III sa unang bahagi pa lamang ng laro.

Nasayang din ang ginawa ni Nikola Vucevic na may 25 points, 13 rebounds at five assists kung saan natikman ng Magic ang iaktlo nilang sunod na talo.

Ang next game ng Magic ay bukas kontra Kings.

Ang Warriors naman ay makikipagtuos sa Nets sa Linggo.