-- Advertisements --

Inabot din ng halos 500 araw bago nakabalik sa team practice ang Golden State Warriors superstar na si Klay Thompson.

Kung maalala mahigit isang taon na ang nakakalipas nang makaranas si Thompson ng pagkapunit ng ACL noong 2019 NBA Finals.

Ang 30-anyos na player ay nag-average ng 21.5 points at 3.8 rebounds per game noong nakaraang season.

Ayon kay head coach Steve Kerr, masaya sila at nakabalik na si Klay.

Aniya, ang presensiya ni Thompson ay nagbigay excitement sa team.

Pero aminado ito na light workout muna si Thomson at unti-unti lamang ang pagsabak sa heavy workout.

Ang Warriors ay nangulelat noong nakaraang season at ngayon lamang nakabalik sa praktis dahil sa sinusunod na protocols