-- Advertisements --

Posibleng pipirma ng contract extension si Golden State Warriors superstar Stephen Curry sa mga susunod na buwan.

Batay sa report sa NBA, maaaring pumirma ang NBA superstar ng isang taon na contract extension hanggang sa buwan ng Octobre o kung kailan magsisimula ang NBA 2024-2025 season.

Ang naturang kontrata ay maaring maglalaro mula $62 million o mas higit pa.

Maaari din umanong hintayin ni Curry at ng management ang hanggang sa offseason para makakuha ng mas malaking kontrata – $130 million para sa dalawang taon.

Sa kasalukuyan ay mayroon pang dalawang taon na nalalabi sa kontrata ni Steph.

Maalalang naugnay ang Golden State Warriors sa isa sa pinakamalaking trade deal sa nakalipas na offseason matapos bitawan ang kalahati ng Splash brothers, ang tandem nina Curry at 3-pt specialist Klay Thompson.

Ang naturang tandem ay ang nagsisilbing puso ng Warriors na humakot ng apat na kampeonato sa loob lamang ng walong taon.