-- Advertisements --

Hindi pa rin nakakabangon sa kamalasan ang dating NBA champions na Golden State Warriors nang muli na namang ipalasap ng Minnesota Timberwolves ang panibagong pagkatalo sa overtime game, 125-119.

Ito na ang ikapitong talo ng Warriors at dalawa pa lamang ang panalo.

Para sa Wolves (5-3) ito naman ang ikalima nilang panalo.

Nanguna sa Minnesota si Andrew Wiggins na may 40 points, 7 assists at 5 rebounds.

Sumuporta naman si Karl-Anthony Towns na may 20 points at 14 rebounds.

Nagawang malampasan ng Wolves ang pagpapakitang gilas ni D’Angelo Russell na nagbigay sa Warriors na career-high na 52 points.

Ramdam pa rin ng Warriors ang pagkawala sa kanilang team nina Stephen Curry at Klay Thompson na posibleng matagalan pa.