-- Advertisements --
WARRIORS STEPHEN CURRY
Stephen Curry

Muli na namang nakaranas ng masaklap na pagkatalo ang Golden State Warriors makaraang tambakan sa ikalawang sunod na pagkatalo at ngayon ay sa kamay ng Oklahoma City Thunder.

Para naman sa Thunder nakaisa na rin sila ng panalo mula nang mawala ang kanilang superstar at dating MVP na si Russell Westbrook na ipinalit si Chris Paul.

Liban kay Paul na may 10 points nanguna rin sa Thunder sa paglampaso sa Warriors ay si Dennis Schroder na may 22 points.

Naging balanse ang opensa ng Thunder nang magtala si Danilo Gallinari ng 21 points at si Shai Gilgeous-Alexander ay nagdagdag naman ng 19 points at 9 rebounds.

Sa half-time pa lamang ay umabanse na ng malaki ang Oklahoma City sa score na 70-37.

Agad na nakatipon si Schroder ng 16 points at six rebounds sa first half pa lamang.

Para sa Golden State, malaki umano ang problema kung paano maaayos ang kanilang depensa.

Aminado ang Warriors forward na si Draymond Green, nakakadismaya ang kanilang diskarte sa depensa.

Maging si dating MVP Stephen Curry ay nasayang ang 23 points.

Nitong lamang nakalipas na araw ay pinahiya rin ang Warriors sa opening game ng karibal na Los Angeles Clippers nang tambakan din sila.

Sinasabing ramdam pa rin ng Warriors ang pagkawala ng ilan nilang mga main players mula sa limang taon na pamamayagpag, tulad na lamang ni Kevin Durant na lumipat na sa Nets, habang si Klay Thompson naman ay nagpapagaling pa rin sa kanyang injury.

Mula noong taong 2009 ito ang unang pagkakataon na nagsimula ang season para sa Thunder na nakaranas ng back-to-back losses.

Ang next game ng Thunder ay sa Martes at haharapin ni Paul ang grupo ni Westbrook na Thunder.

Pipilitin namang makabangon ng Warriors kontra sa Pelicans sa kanilang next game.