-- Advertisements --

Dinispatsa lamang ng Golden State Warriors ang Toronto Raptors sa ginaganap na NBA Summer League sa Las Vegas.

Kung maaalala ang dalawang teams ay nagbanggaan kamakailan sa mahigpit na NBA Finals noong nakaraang buwan.

Gayunman sa pagkakataong ito, walang mga superstars ang dalawang koponan habang abala pa sa free agency at injuries, tulad na lamang nina Kevin Durant, Klay Thompson, Danny Green, Klay Thompson, Demarcus Cousins at iba pa.

Nanguna sa panalo ng Warriors si Jacob Evans na umiskor ng 24 points at si Jordan Poole na nagdagdag ng 21.

Ang Warriors (1-1) ay nagpakita ng 44 percent mula sa 3-point area.

Sa kampo naman ng Raptors (0-1) nasayang ang ginawang 21 points at 13 rebounds ni Chris Boucher.