-- Advertisements --
KEVIN DURANT 1

Nananatiling positibo ang Golden State Warriors na makakasama na nilang muli si Kevin Durant sa pagsisimula ng NBA Finals sa susunod na linggo.

Ayon kay Warriors forward Draymond Green, bagama’t nagawa nilang itaguyod ang team sa kanilang kampanya sa Western Conference Finals, hindi pa rin daw maitatanggi na kailangan pa rin nila ang tulong ni Durant.

Ang pagkakadagdag din umano ni Durant sa defending champions tatlong taon na ang nakalilipas ang siyang naging rason aniya kung bakit hindi raw sila matibag-tibag.

Sinabi pa ni Green, nananalangin daw ang buong koponan na makakabalik na si Durant lalo pa’t hindi magiging madali ang susunod na serye.

Bukod kay Durant, nagpapagaling din sa kani-kanilang injuries sina big man DeMarcus Cousins at Andre Iguodala.

Sa kasalukuyan, walang ibinibigay ang Golden State na eksaktong petsa kung kailan babalik si Durant dahil nais daw nilang tiyakin ang patuloy na paggaling ng two-time NBA Finals MVP.