-- Advertisements --

Nananatiling positibo ang Golden State Warriors sa kanilang tsansa sa next game kahit na nabigo silang magwagi kontra sa Toronto Raptors sa Game 3 ng NBA Finals nitong Huwebes.

Ayon kay Draymond Green, may posibilidad kasing magbalik na sa Game 4 sina Kevin Durant at Klay Thompson, na kapwa galing sa kani-kanilang mga injury.

Tiwala rin si Green na mabilis na makakakuha ng ritmo si Durant sa oras na maglaro na ito kasama ng kanyang mga teammates.

“That’s a good problem to have,” wika ni Green. “That’s a much better problem than trying to make up for what he do. So we’ll take that problem.”

Bukod pa rito, buhay pa rin ang pag-asa ng Golden State na kanilang masusungkit ang ikatlo nilang sunod na kampeonato dahil sa opensang ipinamalas kanina ni Stephen Curry, na nagpakawala ng 47 points.

Umaasa ang Warriors na madadala ito ni Curry sa mga susunod pang laro sa kanilang championship series.

Matatandaang natamo ni Durant ang kanyang injury noong Mayo sa kasagsagan ng tapatan ng Warriors at Houston Rockets sa semifinals ng Western Conference.

Habang si Thompson naman ay may dinaranas na strained left hamstring na kanyang nakuha noong Game 2 ng finals.