Sa ikalimang sunod na taon, bibiyahe sa NBA Finals ang Golden State Warriors matapos nilang walisin ang Portland Trail Blazers sa Game 4 ng Western Conference Finals, 119-117.
Kinailangan pa ng Warriors ang overtime upang tuluyang ilaglag ang matinik na Blazers, para kilalanin din ang Golden State bilang unang koponang nakapasok sa Finals sa limang dikit na panalo mula nang naka-10 sunod ang Boston Celtics noong 1957-66.
Pinamunuan ni Stephen Curry ang defending champions matapos itong kumolekta ng impresibong 37 points, 13 rebounds at 11 assists.
Umasiste rin si Draymond Green na nagtala rin ng 18-point, 14-rebound, 11-assist triple-double performance.
Nanggaling din kay Green ang krusyal na 3-pointer sa extra period upang ibigay sa Warriors ang panalo.
Sa kabila naman ng iniinda nitong separated ribs, naglista naman ng double-double na 28 points at 12 assists si Damian Lillard upang pangunahan ang Blazers.
Haharapin ng Warriors ang magwawagi sa Eastern Conference finals sa pagitan ng Toronto Raptors at Milwaukee Bucks.