Nagpakitang-gilas ang bagong reserve guard ng Golden State Warriors na si Buddy Hield matapos nitong kumamada ng 22 big points sa loob ng 19 mins. daan para talunin ang Sacramento Kings sa ikalawang preseason game, 122 – 112.
Hindi rin nagpahuli ang bagong shooting guard ng Golden State na si De’Anthony Melton na kumamada rin ng 16 points sa loob ng 21 mins.
Nasayang naman ang 15 points ng bagong forward ng Kings na si Demar Derozan sa naging pagkatalo ng kanyang koponan.
Hindi nakahabol ang Kings sa 28 3-pointers na pinakawalan ng Warriors sa kabuuan ng laro. Nagawa ito ng koponan gamit ang episyenteng 53.7 shooting percentage.
Tanging pitong 3-pointer lamang ang naging kasagutan ng Kings sa kalaban.
Sa kabila nito, sinamantala ng Kings ang pagiging maliliit ng mga player ng Golden State at kumamada ng 52 big points sa loob ng paint area. Sa Warrios, umabot lamang sa 22 points ang kanilang nagawa.
Samantala, kasunod ng tuluyang pag-alis ni Klay Thompson sa GSW, ginamit ng Warriors ang sophomore na si Brandin Podziemski bilang starting guard kasama sina Stephen Curry, dalawang forward na sina Draymond Green at Jonathan Kuminga, at Kevon Looney bilang sentro.