-- Advertisements --

Walang kahirap-hirap na tinambakan ng Golden State Warriors ang Charlotte Hornets at ibinulsa ang 36-point win, 128 – 92.

Sa loob lamang ng 23 mins na paglalaro ay nagawa ni Draymond Green na kumamada ng 15 points, 6 rebounds, 6 assists, tatlong steals, at dalawang blocks habang 15 points at anim na assists naman ang ambag ni Stephen Curry.

Maliban sa mga starter, kumamada rin ng double-digit score ang tatlong bench player ng Warriors: 15 points mula kay Buddy Hield; 14 points mula kay Gary Payton II; at 12 points mula sa bagitong si kevin Knox II.

Hindi nakahanap ng kasagutan ang Charlotte sa episyenteng opensa ng GS at sa pagtatapos ng 3rd quarter ay dinanas na nito ang 32-point deficit.

Hindi na rin pinaglaro ang mga starter ng GS sa kabuuan ng 4th quarter

Binantayan ng GS ang paint area at gumawa ng 62 points sa ilalim nito habang 38 points lamang ang naisagot ng Hornets.

Samantala, ang naging laban ng GS at Charlotte ay ang ika-pitong laro ng koponan kung saan naglaro ang bago nitong forward na si Jimmy Butler.

Sa pitong match, anim ang naipanalo ng GS habang isa ang nalasap nitong pagkatalo. Ang naturang pagkatalo ay mula sa kamay ng Dallas Mavericks na nagbulsa ng 4-point win.