Inanunsiyo ng Russian Defense Ministry na nagsasagawa ng joint maritime patrols ang warships o mga barkong pandigma ng Russia at China sa Pacific Ocean kabilang dito ang rescue training at drills para ma-counter ang airstrikes.
Sa inilabas na video, nasa 9 na malalaking barko ang naglalayag ng naka-diamond formation habang ang mga crew member ay nasa deck ng nasabing vessels.
Kasama rin sa mga drills ang pagsasanay sa replenishment ng fuel reserves ng mga barko at ang paglilipat ng kargamento.
Ayon pa sa Russian Defense Ministry na higit sa 6,400 nautical miles na ang napatrolya ng joint detachment ng mga barko mula nang magsimula ang mga pagsasanay.
Ang isang detachment ng mga barko ng Russian Navy at ang People’s Liberation Army Navy ng China ay kasalukuyang nagpapatrolya sa katubigan ng East China Sea.
Kung saan nagsasagawa ang mga ito ng anti-submarine exercises, pinigilan ang air strike ng mock enemy, nagsagawa ng rescue training sa dagat at kinumpleto ang pagsasanay sa pag-take off at landing ng helicopters sa decks ng mga barkong pandigma.