-- Advertisements --
Handa na ring tanggapin ng Washington DC ang administrasyon ni US President Donald Trump.
Ayon kay Washington, DC, Mayor Muriel Bowser, na naghahanda na sila para sa inauguration sa buwan ng Enero.
Nakipag-ugnayan na ang kaniyang opisina sa kampo ni Trump para iplantsa ang gagawing inauguration at pinag-usapan ang ilang mga paparating na mga aktibidad.
Natitiyak nito na kanilang susundin ang anumang mga reporma na ipapatupad ng administrasyon ni Trump.