-- Advertisements --
Ipinasara munapansamantala ang Washington Monument sa United States Park Police dahil sa pagsira sa ilang bahagi nito gamit ang pintura o na-vandalize.
Isang lalaki na ang nakakulong ngayon dahil sa pagsaboy at pagsulat ng hindi magandang mensahe sa mismong base ng Washington DC.
Ang park police ay hindi sigurado kung ang pansamantalang pagsasara ay makakaapekto sa pagbisita ng publiko sa monumento na karaniwang nagbubukas sa alas-diyes ng umaga.
Aasikasuhin naman at lilinisin ang pintura ng mga conservator ng National Park Service.
Matatandaan na ang iconic na structure ay pinangalanan para sa unang pangulo ng bansa na si George Washington. (with reports from Bombo Chill Emprido)