-- Advertisements --

Pumayag na ang American football team na Washington Redskins na magpalit na ng pangalan.

Kasunod ito sa pressure na nakukuha ng koponan mula sa iba’t-ibang sponsor dahil umano sa pagiging racist.

Ilang taon ng nahaharap ang Washington DC-based team sa pressure dahil sa ang pangalan nila ay nakakasakit umano sa mga native Americans.

Sinabi ni Dan Snyder ang may-ari ng koponan, na may mga proseso pa silang dadaanan para tuluyang mabago ang kanilang pangalan.

Noong nakaraang linggo kasi ay sumulat ang nasa 87 na sponsors na nagbanta na ititigil na nila ang pakikipag-alyansa sa koponan kapag hindi pa nila pinalitan ang kanilang pangalan.