DAVAO CITY – Nag-donate ang mag-asawang hapon ng isang medical waste disposer sa Southern Philippines Medical Center (SPMC).
Kaya umanong gilingin ng nasabing medical waste disposer ang 10 kilo ng mga infectious waste sa loob lamang ng pitong minuto.
Napag-alam na ang idi-nonate na medical waste disposer ng mag-asawang Hapon na sina Hidetaka at Charine Kato ang nagkakahalaga ng P3.5 million.
Dahil dito, malaki ang pasasalamat naman ng Chief Training Officer ng SPMC na si Dra. Maria Elinore Concha dahil tone-toneladang mga basura o medical waste ang kanilang maliligpit na kadalasan pa nito ay mga infectious waste na delikadong ma-acquire ng mga tao.
Malaking tulong din umano ito upang mapigilan at maiwasan ang pagdami ng mga basura lalo na nagpositibo sa polio virus ang syudad na sinasabing pwedeng makuha mula sa dumi ng tao at mga basura.