KALIBO, Aklan—Sinang-ayunan ni Aklan second district representative Teodorico Haresco ang pagdistansya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa naging pahayag nito na “waste of time” lamang ang isinampang impeachment complaint ng ilang civil society organizations, religious leaders, sectoral representatives, pamilya ng Tokhang victims at Makabayan bloc sa mababang kapulungan ng Kongreso laban kay Vice President Sara Duterte.
Aniya, tama lamang ang naging komento ng punong ehekutibo dahil sa maraming kinakaharap na problema ang bansa na dapat pagtuunan ng pansin at hindi ito makakabuti sa nakakarami.
Maliban rito, magkakaroon ng holiday break ang kongreso at senado kung saan, sa pagbalik ng mga ito sa buwan ng Enero sa susunod na taon ay magiging abala ang bawat isa sa nakatakdang local and national midterm elections 2025.
Duda aniya ni Haresco kung mabibigyang pansin ang proceedings ng impeachment complaint kung kaya’t may punto ang presidente sa pagsabi na pag-aksaya lamang ng oras ang impeachment case laban sa bise presidente.
Dagdag pa ni Haresco na abala ang lahat sa kaniya-kaniyang trabaho upang marami pa aniya silang matapos bago ang kanilang holiday break.