MANILA (Update) – Ilang doses ng coronavirus vaccines ang nasayang mula sa insidente ng sunog sa Centers for Health Development ng Misamis Oriental.
Clarification from DOH: The incident report indicated 30 single-dose vials of Sinovac. So for 30 people, not 300. | @BomboRadyoNews
— Christian Yosores (@chrisyosores) April 16, 2021
Ito ang inamin ng Department of Health (DOH) matapos ang sunog sa kanilang provincial health office sa Cagayan de Oro City.
“The incident report indicated 30 single-dose vials of Sinovac. So for 30 people, not 300,” ayon sa DOH.
Mga tira mula sa vaccination rollout ng lalawigan daw ang mga naapektuhang vaccine doses.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, itinuturing nang “wastage” ang naturang mga doses. Posible raw kasing nagbago na ang kanilang mga temperatura dahil sa init ng sunog.
“Dahil nagkaroon ng sunog, the temperature was high, so hindi na natin iri-risk na tingnan pa at gamitin ang bakuna dahil nabago na yung temperatura not unless yung ref nila ay malayo sa pinangyarihan ng sunog.”
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad, bagamat sinabi ng Health spokesperson na maituturing na aksidente ang naturang fire incident.
Dagdag pa ni Vergeire, hindi naman makakaapekto sa supply ng COVID-19 vaccines sa bansa ang mga nasayang na doses ng bakuna.
“Ito namang immunization program laging may nakatalagang wastage provision, mayroon kami lagi sa computation na mga pangangailangan ng bakuna, nilalagyan namin ng wastage sa bakuna.”
Batay sa huling tala ng DOH, aabot na sa higit 1.2-million doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok sa mga Pilipino.
Mayroon ng higit 3-million supply ng vaccine doses ang bansa matapos madagdagan ng 500,000 Sinovac doses noong Linggo.