Ipinupursige ngayon ng isang opisyal ng Senado na bilisan pa ang pagsasakatuparan ng pending infrastructure at social projects bago matapos ang taon.
Ayon kay Senate committee on finance chairman Sen. Sonny Angara, maliban sa makakatulong ito sa pagsasakatuparan ng mga proyekto ng gobyerno, mapapa-angat pa ng tamang paggamit ng pondo ang ating ekonomiya.
Ang panawagan ni Angara ay bilang tugon sa ulat ng Department of Budget and Management (DBM) na halos 96 percent pa lang ng P3.662 trillion national budget para sa 2019 ang nailalabas.
Giit ng senador, kung maisasakatuparan ang tamang paggamit ng pondo, maaari pang makahabol ang ating ekonomiya sa target na sevent percent economic growth.
“It is encouraging to see that we are finally addressing the problem of underspending, which has plagued us since the previous administration. But we should always strive to hit our targets, especially when it comes to spending on infrastructure,” wika ni Angara.
Matatandaang isa sa nakapagpabagal sa pagsasakatuparan ng mga proyekto ang atrasadong pagpasa ng 2019 national budget.