-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Kinansela rin ang mga nakatakdang water activities sa Anilao Batangas kaugnay pa rin sa pagputok ng bulkang taal.

Sa naging ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dating bombo Field Reporter Gina Bao-in na ngayon ay isa nang dive master ng Anilao Batangas sinabi niya na pansamantalang itinigil ang mga water activity pangunahin ang scuba diving activities dahil sa nararanasang ashfall sa lugar.

Aniya, bagamat maari pa ring mag-dive sa dagat subalit dahil sa nararanasang mahihinang pagyanig ay natatakot ang mga diver dahil nagdudulot ng pananakit ng dibdib ang mga pagyanig sa ilalim ng tubig .

Maliban sa scuba diving ay nakansela na rin ang surfing activities dahil bagamat mahina ang hangin ay malakas naman ang ashfall.