Ikinagagalak na ibinalita ni Justice Secretary Menardo Guevarra na naging madali at maayos ang negosasyon sa bagong water concession agreement (CA) sa pagitan ng gobyerno at Maynila Water Services In.
Nagkasundo ang magkabilang panig sa panukalang bagong concession agreement kasama ang Maynilad. Bukod na lamang daw sa ilang usapin tungkol sa business plan ng Maynilad, JICA (Japan International Cooperation Agency) loans at public listing ng mga shares
Noong Lunes lang aniya isinagawa ang pagpupulong ng mga kinatawan ng gobyerno at Maynilad Water.
Ang Maynilad Water at Manila Water ang water concessionaires sa Metro Manila at mga katabing probinsya.
Una nang itinulak ni Pangulong Rodrigo Dutere ang revision sa pre-existing water c oncession deals kasama ang dalawang kumpanya noong Disyembre 2019 matapos makakita ang Department of Justice (DOJ) panel of reviewers ng ilang mabigat na paglabag sa naturang probisyon.
Lumagda ang Manila Water ng bagong CA kasama ang gobyerno noong Marso 31 at ipatutupad ito makaraan ang anim na buwan mula sa petsa nang naging paglagda.
Ayon kay Guevarra, ang bagong kasunduan kasama ang Manila Water ay magbibigay ng mas magandang overall service at reasonable charges sa mga konsyumer.
Ang pinakamahalagang papel aniya ng bagong kasunduan ay ang pagtatanggal sa non-interference clause na siyang nagbabawal sa gobyerno na magkaroon ng saloobin tungkol sa water rates.
Kasama rin sa bagong probisyon ang pagbabawal na magtaas ng water rates hanggang Disyembre 31, 2022.
“Definitely the revised water concession agreement will be beneficial to the consumers because this concession has been deemed as a public utility and therefore all the things associated with an enterprise being considered a public utility will now be applied to this water concession agreement,” pagbibigay-diin ni Guevarra.