-- Advertisements --
Screenshot 2019 06 01 17 57 14
IMAGE | Angat Dam/Maynilad

Nakatakdang dagdagan ng National Water Resource Board (NWRB) ang water allocation sa Metropolitan Waterworks and Sewerage Systems (MWSS).

Ito ay kasunod ng pagtaas mula sa minimum operating level tubig ng Angat dam.

Sinabi ni NWRB executive director Sevillo David Jr., na mula sa 36 cubic meters per seconds ay gagawin na nila ito ngayon sa 40 cms. ito ay dahil na rin sa pag-angat ng tubig dulot ng mga pag-ulan.

Magiging epektibo ang nasabing dagdag allocation sa Setyembre 1.