Banta sa regional peace and stability ang ginawang pagharang at pagbomba ng tubig ng China Coast Guard sa chartered vessel ng Armed Forces of the Philippines (AFP) patungong Ayungin Shoal kahapon, August 5,2023.
Ito ang inihayag ni US Department of State Spokesperson Matthew Miller sa isang statement.
Dahil sa panibagong insidente, nagpahayag ng suporta ang United States sa Pilipinas hinggil sa pinakahuling pag-atake ng China Coast Guard (CCG) laban sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas na patungo sa Ayungin Shoal para sa isang resupply mission.
Ayon sa US Department of State ang pagpapaputok ng water cannon ng People’s Republic of China (PRC) at paggamit ng hindi ligtas na pagharang ng mga maniobra laban sa mga sasakyang pandagat ng PCG noong Sabado ay “nakasagabal sa ligal na pagpapatupad ng Pilipinas ng kalayaan sa paglalayag sa dagat at nalagay sa panganib ang kaligtasan ng Pilipinas, mga barko at tripulante.
“Such actions by the PRC are inconsistent with international law and are the latest in repeated threats to the status quo in the South China Sea, directly threatening regional peace and stability. By impeding necessary provisions from reaching the Filipino service members stationed at Second Thomas Shoal, the PRC has also undertaken unwarranted interference in lawful Philippine maritime operations,” pahayag ni U.S. Department of State Spokesperson Matthew Miller.
Kapwa kinokondena ng PCG at AFP ang China Coast Guard sa ginawang napaka delikadong maneuvers at iligal na paggamit ng water cannons laban sa chartered vessel ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para magdala ng suplay gaya ng pagkain, tubig, fuel at iba pang mga supplies na kakailanganin ng mga sundalo na nakatalaga sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
“The United States reiterates, pursuant to the 1982 Law of the Sea Convention, the arbitral decision is final and legally binding on the PRC and the Philippines. The United States calls upon the PRC to abide by the arbitral ruling as well as to respect the freedom of navigation – a right to which all states are entitled,” dagdag sa pahayag ng Amerika.
Muling iginiit ng US na ang armadong pag-atake sa mga pampublikong sasakyang pandagat, sasakyang panghimpapawid, at sandatahang lakas ng Pilipinas ay maghihikayat ng mutual defense commitments sa ilalim ng Article IV ng 1951 Mutual Defense Treaty of the Philippines at US.