-- Advertisements --
maynilad

Inanunsyo ng Maynilad na naresolba na nito ang water discoloration na nakaapekto sa libu-libong mga customer nito noong Nobyembre 9.

Ipinaliwanag ng pinuno ng water supply operations ng water concessionaire na si Engr. Ronald Padua, na ang water discoloration ay reaksyon ng mas mataas na antas ng manganese sa chlorine na ginagamit nila sa pagdidisinfect ng tubig.

Nanindigan si Padua na hindi delikado ang madilaw na tubig na naranasan ng mga consumer.

Sinabi ng Maynilad na inaasahan na ito, matapos lumipat sa mababang outlet dahil sa rehabilitasyon ng Angat Hydro Electric Power Plant.

Sinabi ni Padua na hindi na inaasahan ng Maynilad ang pag-uulit ng insidente, dahil maraming paraan upang kaagad na matugunan ang issue sa tubig.