Magkakaroon ng pansamantalang water service interruption ang ilang lugar sa Metro Manila at Rizal ngayong linggo, ayon sa Maynilad at Manila Water.
Ayon sa Maynilad, mawawalan ng tubig sa Barangay Gulod, Sta. Monica, at Siena sa Quezon City mula ala-10 ng gabi ngayong Lunes, Abril 14, hanggang ala-6 ng umaga sa Martes, Abril 15, dahil sa isinasagawang network diagnostic at leak localization.
Sakop ng Maynilad ang West Zone, kabilang ang mga lungsod ng Caloocan, Las Piñas, Makati, Malabon, Manila, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay, Quezon City, at Valenzuela, pati na ang ilang bahagi ng Cavite.
Samantala, magpapatupad din ng water interruption ang Manila Water sa ilang lugar sa East Zone, bagama’t wala pang detalyadong iskedyul ang inilabas. Kabilang sa kanilang sakop ang mga lungsod sa silangang bahagi ng Metro Manila at mga bayan sa lalawigan ng Rizal.
Pinapayuhan ang mga residente na mag-ipon ng sapat na tubig at bantayan ang mga abiso mula sa kanilang water service provider.