-- Advertisements --
Nabawasang muli ang antas ng tubig ng Angat Dam sa nakalipas na 24 oras.
Batay sa datos ng state weather bureau, aabot sa 30 sentimetro ang nabawas sa tubig ng dam kaninang alas 6 ng umaga.
Dahilan ito para umabot na lang ito sa 195.85 meters.
Tiniyak naman ng ahensya na ito ay malayo pa sa minimum operating level ng dam na 180 meters.
Samantala, maliban sa Angat, bumaba rin ang tubig sa ilang dam sa Luzon.
Kabilang na rito ang ang lebel ng Tubig sa Ipo Dam, La Mesa Dam, Ambuklao, San Roque, Pantabangan, at Caliraya Dam.