Nabawasang muli ang lebel ng tubig sa Angat Dam dahil sa patuloy na kakulangan sa mga pag-ulan sa mga watershed nito.
Sa datos na inilabas ng State Weather Bureau, pasado alas 6 ng umaga kanina ay pumalo sa 35 centimeter ang nabawas sa lebel ng tubig nito.
Ito ang dahilan kung bakit bumaba ang antas ng tubig ng Angat sa 193.29 meters.
Aabot naman sa dalawang metro ang agwat nito mula rin sa 195.85 meters water elevation na naitala ng ahensya noong nakalipas na linggo.
Tiniyak naman ng state weather bureau na nananatiling malayo sa minimum operating level ng dam na 180 meters.
Maliban sa Angat, natapyasan rin ang lebel ng tubig sa ilang dam sa Luzon at patuloy itong binabantayan ng ahensya.
Kabilang na dito aniya ang Ipo Dam, La Mesa Dam, Binga, San Roque, Pantabangan, at Caliraya Dam.