-- Advertisements --
Lalo pang bumaba ang water level sa Angat Dam nitong araw.
Sa update ng PAGASA, ang lebel ng tubig sa naturang dam ay nasa 178.95 meters na lamang o 0.55 meters na mas mababa sa 179.5 meters na naitala kahapon ng Umaga.
Nauna nang sinabi ni Pagasa hydrologist Adelaida Duran sa isang panayam na ang water level sa Angat Dam ay bababa ng 0.48 meters bilang average ngayong Abril.
Maari nga raw na umabot sa 175.7 meters na lamang ang tubig dito sa katapusan ng Mayo kapag patuloy na bababa ang water level nito.
Pero maari namang makatulong para tumaas muli ang lebel ng tubig sa dam kapag umulan sa Mayo.
Noong Linggo lang bumaba sa 179.93 meters above sea level ang water level sa Angat Dam na mas mababa kumpara sa 180-meter minimum requirement.