-- Advertisements --
Patuloy na bumababa ang lebel ng tubig sa Angat Dam hanggang nitong araw.
Nabatid na ang water level sa dam na nagsu-supply sa mahigit 90 percent ng water requirement ng Metro Manila ay nasa 161.30 meters na lamang.
Mas mataas lang ito ng higit 1 meter bago umabot sa 160 meters above sea critical level.
Noong Lunes, hinimok ng National Water Resources Board (NWRB) ang mga consumers sa Metro Manila na magtipid ng tubig.