Halos maabot na ng Angat Dam ang critical level ngayong araw batay sa latest monitoring ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Ayon sa ulat ng Pagasa Hydrometeorology Division, nasa 160.73-meters na ang water level sa naturang dam nitong alas-6:00 ng umaga.
Nauna nang nag-anunsyo ang National Water Resources Board (NWRB) hinggil sa pagbabawas ng alokasyon ng tubig sa mga lugar na sine-serbisyuhan ng Angat Dam.
Ito’y dahil sa patuloy na pagbaba ng water level nito kamakailan.
Ayon sa NWRB magtatagal ng hanggang June 21, Biyernes ang pagbibigay nila ng alokasyon na 40-cubic meters per second sa Maynilad at Manila Water.
Pero kung pagdating ng Sabado, June 22, ay hindi tataas ang water level ay mapipilitan daw ang ahensya na bababaan pa sa 36-cubic meters per second ang alokasyon ng tubig.