-- Advertisements --

Posibleng umabot sa critical point na 160 meters sa linggong ito ang water elevation level sa Angat Dam.

Sinabi ni National Water Resources Board (NWRB) Executive Director Sevillo David sa isang pulong balitaan na inaasahan nilang mangyari ang scenario na ito matapos ianunsyo ng Pagasa na magkakaroon ng moonsoon break, o kaunting pag-ulan ngayong nagbabago ang weather condition.

Ayon kay David na kung magpapatuloy ang sitwasyon at walang ulan na papasok hindi malayo na sa linggong ito ay aabot sa 160 meter critical level sa huling linggo ng Hunyo.

Hanggang kaninang alas-6:00 ng umaga, nabatid na ang water level sa Angat Dam ay nasa 162.39 meter level.

Kung lalo pang bumaba ito, makakaranas ng interruptions ang mga consumers sa Metro Manila at kalapit probinsya na kumukuha ng supply ng tubig sa dam katulad nang nangyari noong 2010.