-- Advertisements --

Nabigo man ang koponan ng Pilipinas na talunin ang Singapore sa ikalawang beses nilang paghaharap sa loob ng pool ay sigurado na ang bronze medal para sa mga ito.

Sa kabila ng malakas na cheer at suporta ng mga Pilipino para sa women’s water polo team at nagtapos pa rin ang laban sa score na 13-6.

Pinangunahan ng 16-anyos na si Michelle Tan ang koponan ng Singapore kung saan nakapagdala ito ng 9 points para sa grupo.
Lumamang sa first period ng laro ang Pilipinas ngunit tila hindi makaporma ng goal ang mga ito dahil na rin sa matinding depensa ng kalaban.

Dakong alas-dos naman ng hapon ngayong araw ay muling lalaban ang koponan kontra Thailand.