Muling nanawagan ang pamunuan ng Water Resources Management Office sa lahat ng mga residente sa Metro Manila na bawasan ang pagkonsumo ng tubig.
Ito’y dahil na rin sa patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam at sa papalapit na matalagang El Niño phenomenon sa bansa.
Ayon sa ahensya, bilang paghahanda sa papalapit na tagtuyot o El Nino, mahalagang magtipid ng tubig upang maiwasan ang malawakang water interruption ngayong taon.
Ang Angat Dam na matatagpuan sa Norzagaray, Bulacan ay ang pangunahing pinanggagalingan ng tubig sa para Metro Manila.
Samantala, naglabas na rin ang Water Resources Management Office ng Bulletin sa lahat ng mga opisyal ng barangay at sa mga condominium atv subdivision manager sa National Capital Region upang paalalahanan nito ang kanilang mga residente na bawasan ang kanilang mga aktibidad na nagdudulot ng malaking konsumo ng tubig.
Hinikayat rin ng ahensya ang lahat na mangolekta at gamitin ang mga tubig ulan at i reuse ang mga pinaglabhan at pinaghugasang tubig sa pagdidilig ng mga halaman.