-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Naka-preposition na sa mga bayan na binabaha ang mga kasapi ng Water Search and Rescue team ng Isabela

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Provincial Disaster Risk Reduction Management Officer Retired General Jimmy Rivera ng Isabela na ang WASAR Team ay binubuo ng mga kasapi ng PDRRMC, AFP, Airforce, PNP at BFP.

Matapos ang kanilang isinagawang operational briefing ay ipinakalat na nila ang kanilang WASAR team sa mga flood prone areas tulad ng mga bayan ng San Pablo, Cabagan, Santo Tomas, Santa Maria at Tumauini

Mayroon namang nakahandang quick reaction teams na maaaring ipadala sa mga bayan ng Jones, San Agustin at Roxas.

Naka-activate na rin ang mga search and rescue team sa buong lalawigan maging ang Coastal watch at River watch patrol sa lalawigan na tututok sa mga lugar na maapektuhan ng bagyong Kiko.

Samantala, hiniling na rin ni PDRRMO Rivera sa Provincial Director ng Isabela Police Provincial na bantayan ang mga overflow bridges sa lalawigan at kinakailangang isara na sa mga motorista pagsapit ng alas singko ng hapon, ito man passable o hindi para matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan.

Ipinapatupad na rin sa Isabela pangunahin na sa mga Coastal Towns ang no sailing, no swimming at no fishing policy.

Nanawagan siya sa mga mamamayan na maapektuhan ng Bagyong Kiko na sumunod sa mga kasapi ng PDRRMC kapag sinabi lumikas upang maiwasan ang sakuna na dulot ng super typhoon Kiko na mayroong pagbugsong na mahigit 240 kilometro bawat oras

Bukas anya beinte kuwatro oras ang kanilang Provincial Emegrency Operation Center at maaring matawagan ang kanilang cellphone numbers na 0915-819-3187 ; 0917- 852- 6698 at 0921-5852341 habang sa landline ay maaaring tumawag sa 078- 323-0616.