Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na patuloy tutugunan ng gobyerno ang water security challenges upang masiguro na ang bawat Filipino ay may access sa sapat at malinis na tubig.
Binigyang-diin ng Pangulo na “Water is Life.”
Ayon sa Pangulo kailangan natin magtayo ng mga multi-purpose dams upang matiyak ang sapat na suplay ng tubig.
Hindi lamang para sa pag-inom ng tubig kundi para sa irrigation, power generation, flood control, agriculture at sa mga teknolohiya na gagamitin natin sa hinaharap.
Dahil dito nanawagan ang Pangulo sa mga stakeholders at mga dam operators sa buong bansa i-maximize ang paggamit ng kanilang mga facilities sa pamamagitan ng pag integrate sa iba pang pwedeng gawin gaya ng generation of renewable energy upang makamit ang sustainable and energy-efficient ng bansa at ipagpatuloy ang pagpapatupad ng mga innovative designs at mga inisyatiba na mgadudulot ng balanse sa ating ecosystem laban sa ecolological adversities.
Aniya mataas ang demand sa tubig kaya mahalaga na maging wais sa paggamit nito.
Nanawagan din ang Pangulo sa bawat Filipino na tulungan ang gobyerno sa hakbang nito na mag conserve ng tubig.
Pinasinayaan ng Pangulo ang Upper Wawa Dam sa probinsiya ng Rizal kaninang umaga na malaking tulong para mapanatili ang sapat na suplay ng tubig.