Inanunsyo ng Maynilad Water Service (MWS) ang iskedyul ng water service interruption ng kanilang kompanya na makakaapekto sa mga residente sa lugar ng Valenzuela at Quezon City na magsisimula ngayong araw ng Nobyembre 26 hanggang 29 dahil sa isasagawang network maintenance activity.
Ayon sa kumpanya ang naturang maintenance ay parte lamang ng kanilang pagpapatupad ng magandang kalidad at epektibong water distribution para sa mga customer nito.
Narito ang mga sumusunod na iskedyul ng mga lugar na maaapektuhan ng water service interruption.
Quezon City
November 26 (12:01 a.m. hanggang 3 a.m.)
Brgy. Sto. Domingo, Brgy. Talayan, Brgy. Tatalon, Brgy. Apolonio Samson, at Brgy. Baesa.
November 27 (12:01 a.m. hanggang 3 a.m.)
Brgy. Apolonio Samson, Brgy. Balingasa, Brgy. Manresa, Brgy. Masambong, Brgy. Pag-ibig sa Nayon, Brgy. Siena, Brgy. Bungad, Brgy. Veterans Village, Brgy. Damayan, Brgy. Del Monte, Brgy. Katipunan, Brgy. Mariblo, Brgy. Paltok, at Brgy. San Antonio.
November 28 (12:01 a.m. hanggang 3 a.m.)
Brgy. Sto. Domingo, Brgy. Talayan, Brgy. Tatalon, Brgy. Apolonio Samson, at Brgy. Baesa.
November 29 (12:01 a.m. hanggang 3 a.m.)
Brgy. Apolonio Samson, Brgy. Balingasa, Brgy. Manresa, Brgy. Masambong, Brgy. Pag-ibig sa Nayon, Brgy. Siena, Brgy. Bungad, Brgy. Veterans Village, Brgy. Damayan, Brgy. Del Monte, Brgy. Katipunan, Brgy. Mariblo, Brgy. Paltok, at Brgy. San Antonio.
Valenzuela City
November 26, (12:01 a.m. hanggang 3 a.m.)
Barangays Arkong Bato, Coloong, Gen. T. De Leon, Karuhatan, Mabolo, Malanday, Malinta, Marulas, Maysan, Palasan, Pariancillo Villa, Poblacion, Veinte Reales, at Wawang Pulo. (dahil sa DM Replacement activity sa C. Santiago, Dalandanan).
Ang mga nabanggit na Barangay sa Valenzuela ay makaka-experience ng tatlong araw na water service interruption sa parehong oras ng Nobyembre 27, 28 hanggang 29.
Tiniyak naman ng MWS na ang water service interruption ay ipapatupad lamang sa panahon ng peak hours para maiwasan ang inconvenience sa mga customer nito.
Pinapayuhan naman ang mga residente sa mga Barangay na maapektuhan ng nasabing water service interruption na mag imbak na ng kani-kanilang mga tubig kung kinakailangan lamang.