-- Advertisements --
water

Humingi ng paumanhin at pang-unawa sa mga taumbayan ang Maynilad Water Services, Inc., dahil sa mararanasang water service interruption ng ilang bahagi ng Luzon dahil sa Bagyong Paeng.

Sa abisong inilabas ng Maynilad Water Services, Inc., mawawalan ng tubig ang mga lugar sa kapuluan mula alas-8:00 ng gabi hanggang alas-12:00 ng hatinggabi ng Oktubre 29, 2022, at alas-7:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon ng Oktubre 30, 2022.

Kabilang sa mga ito ay ang ilang bahagi ng Bacoor City, Imus City, Las Piñas City, Maynila, Malabon City, Caloocan City, Makati City, Parañaque City, Pasay City, Quezon City, Cavite City, Imus City, Kawit, Noveleta, at Noveleta – Rosario, Rosario.

Paliwanag ng Maynilad, ang naturang water service interruption ay dahil sa pagtaas ng turbidity sa tubig na dulot naman ng Tropical Storm Paeng.

Samantala, hinikayat din nila ang mga apektadong customer na mag-imbak ng sapat na tubig habang may suplay pa.

Bukod dito ay nagpaalala rin ang nasabing kumpanya na sa muling pagbabalik ng suplay ng tubig ay hayaan munang dumaloy ito saglit hanggang sa maging malinaw at malinis kasabay ng pagtiyak na magpapadala sila ng mga water tankers para maghatid ng tubig sa mga apektadong lugar.

Narito ang mga sumusunod na lugar na apektado ng nasabing water service interruption:

Bacoor City
Alima, Aniban I to Aniban V, Banalo, Bayanan, Camposanto, Daang-Bukid, Digman, Dulong Bayan, Habay I, Habay II, Kaingin, Ligas I to Ligas I, Mabolo I bo Mabolo III, Maliksi Ito Maliksi, Mambog I to Mambog V Molino I to Molino III, Niog I to Niog III, Panapaan I to Panapaan VIII, Poblacion (Tabing-Dagab), Real I, Real II, Salinas, Salinas I, San Nicolas I to San Nicolas III, Sineguelasan, Talaba I to VII, Zapote I, to Zapote V.

Imus City
Buhay na Tubig and Palico I to Palico IV

Las Piñas City
Manuyo Dos, Pamplona Uno, Pamplona Dos, Pamplona Tres, Pulanglupa and Zapote

Manila
1, 2, 25, 26, 28 to 31, 33, 95, 100, 101, 103, 104, 105, 107, 108, 587, 587-A, 588, 589, 590, 598 to 601, 649, 650, 662, 673, 675, 676, 686 bo 695, 707 to 720, 724, 725, 731 to 734, 739, 744 to 762, 769, 803, 807, 826 to 836, 842, 845, 846, 850, 851, 855 to 859, 862, 864, 867, 868, 870, 871 and 872

Malabon City
80, Concepcion, Dampalit, Ibaba, Longos, Muzon, Panghulo, Potrero, San Agustin, Santolan, Tanong

Caloocan City
12, 81 to 87, 89, 92, 94, 95, 96, 99, 101, 102, 105, 132, 133, 134, 136, 138, 139, 141, 142, 144 bo 150, 151, 156 to 164, at Balingasa.

Quezon City
Katipunan, Maharlika, Mariblo, NS Amoranto, Paang Bundok, Pag-ibig Sa Nayon, Paraiso, Saint Peter, San Antonio, San Isidro Galas, Sangandaan, Santo Nino, Santol, Sauyo, Talipapa, Tandang Sora, Unang Sigaw and Veteran’s Village, 157, 158, 163, 164, A Samson, Apolonio Samson, Baesa, Bahay Toro, Balingasa, Balong Bato, Bungad, Damar, Damayan, Del Monte, Don Manuel Quezon, Dona Aurora Quezon, Dona Imelda Marcos.

Pasay City
149 to 153, 156, 159, 161, 162, 163, 165, 166, 167, 169, 171 to 178, 179, 184, 190, Pio del Pilar

Makati City
Bangkal, Magallanes, Pio del Pilar and San Isidro (Gil Puyat)

Parañaque City
BF Homes, BF International CAA, Don Bosco, Moonwalk, San Antonio, San Isidro, Sto. Niño and Tambo