-- Advertisements --

Nag-abiso ang water concessionaires na Maynilad at Manila water sa mararanasang water service interruptions sa Metro Manila simula ngayong weekend at magtatagal hanggang sa susunod na linggo.

Ayon sa Maynilad, ang water service interruption ay dulot ng isasagawang maintenance activities na naka-schedule sa mga lungsod ng Caloocan, Malabon, Parañaque, Pasay, at Quezon.

Kayat inaabisuhan ng west zone operator ang mga kustomer nito na magimbak ng sapat na tubig bago ang nasabing maintenance activities na isasagawa sa off-peak hours para mabawasan ang epekto nito sa mga konsyumer.

Sa oras na bumalik na ang suplay ng tubig, dapat na hayaan munang dumaloy ito hanggang sa maging malinis na ang lumalabas na tubig.

Samantala, ipinaliwanag naman ng Manila water na mayroon din itong schaduled maintenance activites na gagawin na makakaapekto sa ilang parte ng siyudad ng San Juan at Pasig.

Kayat pinapayuhan din ang mga residente sa nasabing mga lungsod na mag-imbak ng tubig baop ang nakatakdang water servicePM BN interruptions.