Nagbabala ang National Water Resources Board (NWRB) na posibleng makaranas ng kakulang sa tubig ang Kalakhang Maynila at mga karatig na probinsya hanggang 2022.
Sinabi ni NWRB executive director Dr. Sevillo David Jr. na magiging malaking pagsubok ang stable water supply dahil sa patuloy na paglaki ng populasyon sa bansa.
Aabutin din aniya ng ilang taon para makumpleto ang konstruksyon ng mga alternatibong water resources, tulad ng East Bay Water Supplt Project at AMA Bulk Water Supply na kapwa kukuha ng tubig sa Laguna Lake.
Dagdag pa nito na tumaas ang demand sa tubig dahil mas maraming tao ang nananatili lamang sa kani-kanilang bahay dahil sa coronavirus pandemic.
Noong Martes, nasa 178.38 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam. Mas mababa ito sa 180 meter lecel na kinakailangan as normal na operasyon.