-- Advertisements --

KALIBO, Aklan —- Kinumpirma ni Malay Tourism Officer Felix delos Santos na balik na sa normal ang operasyon ng mga water sports activities sa isla ng Boracay.

Ngunit, maliban na eksklusibo lamang ito sa mga fully vaccinated na mga turista, limitado rin 50 hanggang 70 porsiyento ang capacity.

Ito ay batay sa ipinalabas na Executive Order No. 028-A ni Aklan Governor Florencio Miraflores matapos na muling ma-extend hanggang Disyembre 15 ang Alert Level 2 status ng Aklan.

Aniya, hindi papayagan ang mga hindi bakunando sa iba’t-ibang klase ng water sports activities at iba pang mapaglibangan sa isla.

Nananatili namang sarado ang mga disco bars.

Upang masulit ang bakasyon ng mga turista, pinaikli pa ng ala-1 am hanggang 4 am ang ipinapatupad na curfew.

Patuloy rin umano ang kanilang paghahanda sa travel bubble para sa pagpasok ng mga international tourists sakaling payagan na ng gobyermo.